Siniguro ni Department of Social Welfare and Development Cordillera Administrative Region regional director Arnel Garcia na mayroong sapat na suplay ng relief goods sa mga binahang residente ng Banaue, Ifugao nitong Huwebes.
Ayon sa kagawaran, sa ngayon ay nakapaglabas na ito ng humigit-kumulang 1,500 family food packs na nagkakahalaga ng Php 941,000.
Habang 27,121 family food packs ang nakahanda nang ipamahagi para sa buong rehiyon kabilang ang 14,000 food packs sa regional warehouse sa Benguet
Gayundin ang 2,608 family food packs para sa Ifugao pa lamang na nakahanda na para sa mga apektadong pamilya at indibidwal
Dagdag ni Garcia patuloy silang nagdadala ng mga suplay sa Ifugao upang matiyak na magkakaroon ng pagkain para sa mga apektadong pamilya.