Itinutulak ni Rep. Joey Sarte Salceda na amyedahan ang Traffic Code of the Philippines, ito’y bilang tugon aniya sa mga alalahanin ng mga motorista sa pagpapalawak sa no-contact-apprehension program.
Marami kasi aniya ang nag-aalala sa posibilidad na malabag ng naturang programa ang due process sa mga ordinaryong motorista at manggagawa sa sektor ng transportasyon, tulad ng mga transport network vehicle service drivers at food delivery riders.
Ayon sa mambabatas, nauunawaan nito ang layunin ng naturang programa na maiwasan ang pangongotong o pagtanggap ng suhol ng mga traffic enforcers gayondin upang mahuli ang mga motoristang lumabag sa batas trapiko ngunit maaari aniya magkaproblema sa sistema ng polisiya.
Kung saan posible aniyang malabag ang karapatan sa transportasyon at ang kawalan ng anumang pagpapahayag ng mga karapatan at sapat proteksyon ng motorista
Hindi gaya aniya sa ibang mga bansa kung saan maaaring iapela ang kaso sa paglabag sa batas trapiko at maaaring bigyan ng ibang penalty ang mga motoristang paglabag na hindi kayang makabayad ng multa gaya ng pagko-community service