Nasa halos 50% ng mga Pilipino ang naniniwalang gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan.
Batay sa latest survey ng Social Weather Station (SWS), 46% ng mga Pinoy ang umaasa na aangat ang ating ekonomiya, 6% naman ang nagsasabing lalala lamang ang sitwasyon nito habang 28% ang sumagot ng neutral o pareho lamang ang magiging estado ng ekonomiya ng Pilipinas.
Sa net economic optimism ng SWS survey, pinakamarami ang nanggaling sa Luzon na may 46% na nagsasabing gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na labing dalawang buwan, sinundan ng Metro Manila at Mindanao na may 43% habang 18% sa Visayas.
Nabatid na isinagawa ang naturang survey noong April 19 hanggang 27 sa 1,440 adult respondents mula sa balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.