Hinimok ng Department of Health ang publiko na mag-donate ng dugo para makatulong na makapagligtas ng buhay.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasabay ng selebrasyon ng “National Blood Donors Month.”
Ayon kay Vergeire, mas maraming benepisyo kaysa peligro ang hatid ng blood donation, tulad ng pagpapababa sa posibilidad ng heart attack, cancer at pagkakaroon ng mas maayos na mental state.
Hinikayat din ng Health official ang publiko na bisitahin ang Official Facebook page ng DOH-National Voluntary Blood Services Program upang magkaroon ng impormasyon hinggil sa naturang inisyatibo.