Nasa ‘State of Calamity’ na ang bayan ng Banaue, Ifugao matapos masalanta ng flashfloods at landslides dulot ng malakas na ulan dala ng Habagat noong Huwebes.
Layunin ng deklarasyon na magamit ng Lokal na Pamahalaan ang kanilang pondo sa rehabilitasyon at makapag-abot ng tulong sa mga apektadong residente.
Batay sa datos ng DSWD Field office —CAR, tinatayang 1K pamilya o nasa 3K katao na ang apektado ng kalamidad sa 9 na barangay sa Banaue.
Dalawang bahay naman ang totally damaged habang 332 ang partially damaged.