Good news para sa mga motorista!
Asahan na bukas ang malakihang bawas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa anunsiyo ng ilang kumpaniya ng langis, maglalaro sa P6.30 centavos hanggang P6.50 centavos ang bawas-singil sa presyo ng kada litro ng diesel.
Posible namang umabot sa P5.70 centavos hanggang P5.90 centavos ang tapyas-presyo sa kada litro naman ng gasolina.
Samantala, sa naging pahayag ng UniOil Petroleum Philippines, inaasahang bababa ng P5.90 centavos hanggang P6 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P5.50 centavos hanggang P5.70 pesos naman ang magiging bawas-singil sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Ayon kay Department of Energy (DOE)- Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, ang dahilan ng rollback sa presyo ng langis ay bunsod ng lockdown sa China; pagtaas ng interes ng iba’t-ibang mga bansa; at banta ng recession o pag-alis ng mga produkto na magdudulot ng demand destruction o pagkasira ng demand sa iba’t-ibang mga bansa.