Unemployment insurance.
Ito ang isinusulong ni Congressman Joey Salceda kaysa bigyan ng ayuda ang mga walang trabaho.
Sinabi ni Salceda na nakakaapekto sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya ang pagtaas ng unemployment rate sa 6% noong Mayo.
Ayon kay Salceda, hindi sapat ang Social Benefit System ng bansa para tugunan ang pangangailangan ng mga empleyadong nawalan ng trabaho at karamihan ay naghihirap na.
Nakakabahala rin aniyang mas mataas pa sa 770,000 ang bilang ng mga walang trabaho kaysa mga bagong pasok sa Labor Force nasa 550,000. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)