May nakahanda ng plano ang Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) sakaling tumaas ang bilang ng mga isinusugod sa ospital dahil sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Jose De Grano, Pangulo ng PHAP, sa oras na tumaas ang COVID-19 admissions ay kukuha sila ng health workers na nakatuon para sa non-COVID patients upang agad na madaluhan ang mga severe cases.
Gayunman, sinabi ni De Grano na maaaring mahirapan sila dahil kapos rin sila sa mga staff.
Kahapon nang maitala ng Department of Health ang karagdagang mahigit 2,000 kaso ng COVID-19, kaya’t umakyat na sa 13,818 ang active cases sa bansa.