Inihayag ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) na ang pagnipis ng suplay ng manok sa bansa ay dahil sa pagtaas ng demand sa pagbubukas ng ekonomiya.
Sa panayam ng DWIZ, ipinaliwanag ni DA-BAI Director Reildrin Morales na nakatuon lamang kasi ang produksyon ng mga magsasaka o producers ng manok sa lebel na kung saan nakasara pa ang merkado.
Bagaman wala aniyang problema o kaso ng Avian Influenza sa mga broiler, isa pa rin sa tinitignang dahilan ng mga magsasaka ang trend nito kung kaya’t hindi nagfull capacity sa produksyon ng manok.
Bukod dito, mataas din aniya ang presyo ng patuka at produktong petrolyo dahil sa patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine na nakakaapekto sa kanilang operasyon.
Samantala, umaasa naman si Morales na maging maganda ang resulta ng cycle ng broiler para sa buwang ito upang mahabol ang demand sa merkado.