Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na nais ni President Ferdinand Marcos Jr. na ipagpatuloy sa ibang paraan ang gyera kontra-droga ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon na mas nakatuon ang kampanya nga kasalukuyang administrasyon laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagtuturo tungkol dito, patuloy na pagbabantay at rehabilitasyon ng mga tulak at gumagamit bago ibalik sa kanilang komunidad.
Nangako naman si bagong Interior Security Benhur Abalos na mananagot ang mga pulis at awtoridad na protektor at may koneksyon sa paglaganap ng iligal na droga.
Matatandaang sa kampanya ay nangako si dating Pangulong Duterte na tatapusin ang problema ng droga sa bansa sa loob lang ng tatlo hanggang anim na buwan na nagbunga ng kabi-kabilang akusasyon at kaso ng extra-judicial killing sa ilalim ng project tokhang.