Nakapagtala ng 10,271 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health (DOH) mula Hulyo a-kwatro hanggang a-diyes.
Batay sa datos ng DOH ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay umakyat sa 1,467 na mas mataas ng 39 % kumpara sa mga kasong naitala noong Hunyo a-26te hanggang hulyo a-tres.
Samantala, higit sa 71 million 55 thousand 752 individuals na o 78.95% ng target na population ng pamahalaaan ang bakunado na laban sa covid-19 habang 15 million 342 thousand 652 naman ang mga indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.