Ipatutupad na ngayong araw ang malaking bawas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa kumpanyang Petro Gazz, Pilipinas Shell, Flying V, Petron, Sea Oil, at PTT Philippines, epektibo na kaninang alas-6 ng umaga ang P5.70 na bawas-presyo sa kada litro ng gasolina; P6.10 sa kada litro ng diesel; habang P6.30 naman sa kada litro ng kerosene.
Samantala, una nang nagpatupad ang Caltex kaninang alas-12 ng madaling araw habang magpapatupad naman ng kaparehong presyo ang Cleanfuel mamayang alas-8 ng umaga.
Ayon kay Department of Energy o DOE-Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, ang dahilan ng rollback sa presyo ng langis ay bunsod ng lockdown sa China; pagtaas ng interes ng iba’t ibang mga bansa; at banta ng recession o pag-alis ng mga produkto na magdudulot ng pagkasira ng demand sa iba’t ibang mga bansa.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang Year-To-Date adjustments stand at net increase sa gasolina ay pumalo na sa 30 pesos kada litro; P42.90 naman sa kada litro ng diesel; habang P36.35 naman kada litro ng kerosene.