Halos kalahati ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ang posibleng matanggal sa listahan kasunod ng isinasagawang paglilinis ng Department of Social Welfare and Development.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DSWD secretary Erwin Tulfo na maraming mga nakikinabang sa programa na hindi naman karapat-dapat.
Sinabi pa ni Tulfo matagal na itong reklamo sa ahensya kaya’t agad nila itong tinutukan.
Nabatid na aabot sa 4.4 million ang benepisyaryo ng 4P’s.