Inihayag ng Department of Health (DOH) na sa kabila ng bagiging bukas ng kanilang ahensiya ay kailangan na mapag-aralan munang mabuti ang pagbabalik sa bakuna ng dengvaxia sa bansa.
Ayon sa DOH, ito ay kasunod ng ilang mungkahi na muling gamitin ang dengvaxia vaccines sa gitna ng mataas na mga kaso ng dengue.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na noong 2018 ay na-revoke ang Certificate of Product Registration (CPR) ng bakuna ng dengvaxia.
Binigyan diin ng opisyal na laging bukas sa mga bagong teknolohiya o bakuna ang doh bagamat kailangan munang maipapakita ang mga ebidensya na kaya nitong protektahan ang publiko.
Samantala, habang wala pang bakuna kontra dengue sa Pilipinas ngayon, iginiit ni vergeire na ituon ang pansin sa iba pang hakbang upang masugpo ang pagtaas ng mga kaso ng dengue.