Mas pinaigting na seguridad ang ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Hulyo 25.
Ito ang tiniyak ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, kung saan sinabi pa nito na makakaasa ang publiko na magiging mapayapa ang SONA gaya ng mga nagdaang malalaking aktibidad.
Samantala, sinabi pa ni Fajardo na handa ang pambansang pulisya upang tumugon sa mga nangangailangan ng agarang tulong.
Makasisiguro aniya ang publiko na susundin at tutuparin nila ang kanilang mandato, partikular ang pagpapanatili ng peace and order sa iba’t ibang bahagi ng bansa. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)