Kinalampag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kumpaniyang walang mga Safety Officer at Safety and Health Committee sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagbagsak ng ginagawang elevator sa isang building sa Makati City, na ikinamatay ng 2 indibidwal.
Bukod pa dito, isang pader sa Tagaytay City ang bumagsak din kamakailan na ikinamatay naman ng 5 indibidwal.
Sa pahayag ni Executive Director Noel Binag ng Occupational Safety and Health Center ng DOLE, paglabag sa batas partikular na sa Republic Act no. 11058 ang ginagawa ng maraming kumpaniya na walang safety officer at safety and health committee na malaking tulong sana para masiguro ang kaligtasan at health programs para sa lahat ng mga manggagawa.
Nilinaw ni Binag na ang Safety and Health Committee ay dapat binubo ng isang kinatawan ng employer bilang chairperson, isang safety officer mula sa kumpanya bilang secretary, isang safety officer na kumakatawan sa contractor bilang miyembro, mga doktor bilang miyembro at kinatawan ng unyon kung kinakailangan.