Mahalagang magkaroon ng guidelines sa sandaling muling payagang magamit ang Dengvaxia vaccine.
Ito ang inihayag ni Infectious Disease Expert at Vaccine Panel Member Dr. Rontgene Solante, sa harap ng pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.
Ayon kay Solante, sa pamamagitan ng guidelines ay mailalahad sa publiko ang benepisyo at kahalagahan ng bakuna, lalo para sa mga indibiduwal na nasa kategoryang high risk na tamaan ng sakit at high-risk na madala sa pagamutan.
Bukod dito, mailalahad din anya ng guidelines ang kahalagahan sa pagsugpo sa dengue virus infection.
Magugunitang sinabi ni Solante na panahon nang muling irekonsidera ng gobyerno ang pagpapatuloy at paggamit ng Dengvaxia, lalo’t ginagamit na rin naman ito sa ibang mga bansa gaya sa Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia.