Muling nakapagtala ng mga pagyanig sa bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Anim na volcanic earthquakes ang naitala ng Phivolcs sa Bulusan sa nakalipas ng 24 oras.
Bahagya ring nagbuga ang bulkan ng usok na may taas na hanggang 100 meters at naglabas ng 574 tons ng sulfur dioxide.
Muling pina-alalahanan ng Phivolcs ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone maging sa extended danger zone.
Ipinagbabawal din muna ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa bulkan dahil sa posibilidad nang biglaang steam-driven o phreatic eruptions.