Pagtutuunan ng pansin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang higit na pagpapaunlad at pagpapabuti sa turismo ng bansa.
Ito ang dahilan kaya inilatag ni Pangulong Marcos ang ilang polisiya na nais nitong maipatupad sa lahat ng tourist destination sa Pilipinas.
Ayon sa punong ehekutbo, isa dito ang mas madagdagan pa ang bilang ng mga pulis partikular na sa mga malalaking tourist spots sa bansa.
Napakahalaga ani PBBM na maging very visible ang mga police personnel sa mga kilalang destinasyon upang agad na malapitan at mahingan ng tulong ng mga turista.
Plano rin ng chief executive na makapaglagay ng health facilities sa mga pamosong tourist destinations tulad ng isla ng Boracay.
Dagdag pa ni Pang. Marcos, ganito rin ang ipinatutupad na regulasyon sa ibang mga bansa gaya ng Thailand at Hawaii. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)