Nakatakdang magpatupad ng gun ban sa Metro Manila dahil sa nalalapit na State of the Nation (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Magsisimula ito sa Hulyo 22 hanggang Hulyo 27.
Ayon kay PNP Director for Operations Police Maj. Gen. Val De Leon, gagawin ang gun ban bilang paghahanda sa seguridad sa SONA ng pangulo.
Dahil dito, sususpindihin muna ang lahat ng permit to carry firearms outside residence ng mga may-ari ng baril sa Metro Manila.
Ang naturang hakbang ay para masiguro na hindi makakalusot ang mga masasamang loob at may balak na manggulo sa unang SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa Hulyo 25.