Kinumpirma ng sports agency na wasserman na pumirma na ng kontrata si Pinoy NBA prospect Kai Sotto, matapos umalis sa dating handler na si Joel Bell.
Ang wasserman ay kilalang sports agency na may hawak kina Klay Thompson, Russell Westbrook, Derrick Rose, Shai Gilgeous-Alexander, Lu Dort, Domantas Sabonis at Evan Mobley.
Matatandaan na matapos hindi makuha sa 2022 nba draft si Sotto ay sinabi ni bell na ddribol ang manlalaro sa gilas para sa FIBA Asia Cup, na agad namang pinasinungalingan nito.
Samantala, bukod sa Wasserman, hawak pa rin ng East West Private ang karera ni Sotto.