Muling magpapatupad ng “No Permit, No Rally Policy” ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gaganapin sa Hulyo 25.
Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Felipe Natividad, inaasahan nila ang pagdagsa ng mga raliyesta sa unang sona ng pangulo dahil na rin sa mga isyu na kinakaharap ngayon ng administrasyong Marcos.
Kaya hindi aniya malayo na samantalahin ito ng iba’t ibang grupo upang magsagawa ng kilos-protesta.
Samantala, una nang inanunsiyo na mahigit labing limang libong tauhan ng PNP, Armed Forces of the Philippines at iba pang ahensya ng pamahalaan ang idedeploy para sa seguridad ng naturang aktibidad.