Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang negosyante na unang naaresto dahil sa paglabag sa batas trapiko matapos tangkaing manuhol ng P500,000 sa mga tauhan ng Manila Police District.
Kinilala ni MPD – Station 9 Commander Lt. Col. Salvador Tangdol ang suspek na si Mark Rovel de Ocampo.
Dakong alas dos y medya ng madaling araw noong Miyerkules, Hulyo a – 13 nang masita si De Ocampo sa kanto ng San Andres Street at Quirino Avenue, sa Malate.
Lulan ang suspek ng kanyang ng puting Subaru sedan nang pasukin ang “one way” sa naturang lugar dahilan para siya ay habulin ng mga tauhan ng patrol unit.
Bukod sa traffic violation, nakita rin sa sasakyan ni De Ocampo ang isang glock 17 gen 4 caliber 9mm pistol; pistol magazine at labingwalong piraso ng live ammunition.
Habang patungo sa presinto ay tinangka umanong manuhol ng suspek pero kanya itong itanggi.
Maliban sa baril, ilang bungkos ng tig-P1,000 naman ang narekober at gagamiting ebidensya laban kay De Ocampo na napag-alamang sangkot sa kidnap for ransom.
Mahaharap ang suspek sa mga kasong kasong paglabag Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, New Anti-Carnapping Act of 2016 at Comprehensive Drugs Act.