Umapela ng pang-unawa ang Philippine Postal Corporation sa publiko hinggil sa pagkakaroon ng delay sa delivery ng mga national id.
Ipinaliwanag ni Norman Fulgencio, Postmaster General at CEO ng Philippine Post Office na nagkaroon ng delay sa pagpapadala ang ahensiya dahil sa Covid-19 pandemic.
Nasa 94% na anya ng mga national id na ang kanilang nai-deliver o katumbas ng 14.8 million.
Iginiit naman ni Fulgencio na hindi sila dapat sisihin sa delay lalo’t nagkaroon ng pandemya.