Patuloy ang pagtugis ng mga militar sa mga sangkot sa pagpapasabog ng landmine sa kanilang mga tauhan sa Mapanas, Northern Samar.
Ayon kay 8th ID at Joint Task Force Storm Commander Major General Edgardo De Leon, 3 hinhinalang miyembro ng New People’s Army ang nasawi matapos ang follow-up operations ng militar.
Gamit ang drones, natunton ng militar ang kuta ng mga rebelde na puno ng armas at nagresulta ito sa serye ng engkwentro.
Ayon kay De Leon, posibleng galing sa platoon yakal ng NPA ang grupo na kanilang nakaharap na matagal na nilang pinaghahanap.
Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng 3 NPA na nasawi na 2 lalaki at 1 naman ang babae.
Sa ngayon, na pick-up na sa pamamagitan ng blackhawk ang labi ng mga nasawi.
Sinabi naman ni De Leon na inaasahan nila ang mga susunod pang engkwentro sa mga liblib na kabundukan dahil hindi na rin makalapit ang mga NPA sa mga komunidad para magtago.
Matatandaan na 7 sundalo ang sugatan sa pananambang ng mga rebelde matapos pasabugan ng landmine noong July 5.—mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)
previous post