Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang kasunduan o dokumento na nilagdaan ang officer-in-charge ng ahensya na humihingi umano ng assistance at nagso-solicit ng donasyon para sa umano’y nationwide medical mission.
Ito ang inilabas na pahayag ng DOH kaugnay sa natanggap na ulat ukol sa pekeng dokumento na gamit ang pangalan ni DOH undersecretary at kasalukuyang OIC, Maria Rosario Vergeire.
Pinayuhan naman ng DOH ang publiko na maging mapagmatyag sa mga nasabing dokumento sapagkat maari itong magdulot ng kalituhan sa nakararami.
Samantala, upang maitama at maberipika ang impormasyon mula sa kagawaran, sinabi rin ng ahensiya na maaring bumisita sa kanilang official website o anumang online platforms sa facebook at twitter ng DOH.