Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon na silang pinag-aaralang 23 bakuna para sa dengue.
Sinabi ito ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire kasabay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng dinadapuan ng sakit sa bansa.
Paliwanag ni Vergeire, nasa emergency medicine list ng world health organization ang mga bakuna.
Hindi naman binanggit ng opisyal kung kasama rito ang kontrobersiyal na dengvaxia na isinusulong ng ilang health sector.
Matatandaang una rito, inamin noon ng doh na ikinokonsidera nila ang paggamit ng dengvaxia pero kailangan muna nitong sumailalim sa pag-aaral.