Halos 60 criminal at administrative complaints ang naihain ng Bureau of Customs (BOC) laban sa ilang mapagsamantalang negosyante at brokers sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan.
Ito’y batay sa inilabas na report ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) kung saan ang 57 kaso ay isinampa sa Department of Justice (DOJ).
Sa kabuuan, 46 criminal cases ang naihain ng BOC laban sa 145 importers, exporters, at customs brokers dahil sa paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at iba pang batas.
Samantala, may ilang licensed customs brokers din ang sinampahan ng kasong administratibo sa Professional Regulation Commission (PRC).