Pinalilikas na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga residente sa gilid ng Pulangi River sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao.
Ito’y dahil sa matinding pagbaha matapos umapaw ang tubig sa nabanggit na ilog.
Ayon kay MDRRMO-officer Balumol Kadiding, nasa critical level na rin ang Tunggol Bridge sa bayan ng Datu Montawal.
Sa ngayon, nakatutok na ang LGU-Datu Montawal Maguindanao sa pamumuno ni Mayor Dato Ohto Montawal sa naranasang baha at pagbibigay ng agarang tulong sa mga residente.