Nadagdagan pa ang security forces na idedeploy para sa seguridad sa unang State of the Nations Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa July 25.
Nasa 21, 853 na ang kabuuang tauhan na idedeploy mula sa 15, 174 na para sa SONA.
Sa kabuuang bilang, hahatiin ito kung saan 16, 964 ay magmumula sa NCRPO, 1,905 mula sa PNP support units, at 2, 974 ay mula naman sa coordinating agencies.
Ang naturang deployment ng mga tauhan ay napag-usapan sa ginanap na 1st Inter-Agency Coordination meeting na pinangunahan ni NCRPO Regional Director Police Major General Felipe Natividad.
Kabilang sa mga dumalo ay mula sa Armed Forces of the Philippines, Local Government Units, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, force multipliers, volunteer groups, at iba pang kinauukulang mga ahensya.