Target ng Department of Transportation na maibalik ang mga ruta para sa mga City Bus sa Metro Manila.
Ito’y paghahanda para sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa a-22 ng Agosto.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Cheloy Garafil karamihan sa mga pampublikong sasakyan ay dumadaan sa University Belt sa ibang eskwelahan.
Aniya, ang mga ruta ng bus ng lungsod, partikular ang mga hindi tumatawid sa EDSA, ay binubuo ng humigit-kumulang 30% ng kabuuang mga ruta ng pre-pandemic.
Ipinabatid naman ni Transportation Undersecretary for Road and Transport Infrastructure Mark Steven Pastor na ang magagamit na pampublikong transportasyon ay sapat para mag-deploy ng 90% ng PUV (Public Utility Vehicle) units ang mga operator.
Pinatawag ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang iba’t ibang kinauukulang ahensya ng gobyerno para linawin ang mga isyu at problemang kinakaharap ng sektor ng transportasyon.