Dumating na sa Japan ang mahigit 200 Filipino caregivers at nurses para magtrabaho sa mga ospital at caregiving institutions doon.
Ayon sa Japanese Embassy sa Maynila, ang grupo ay kinabibilangan ng 18 nurses at 213 caregivers na nakakuha ng trabaho sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement o JPEPA.
Bago isabak sa trabaho sa kani-kanilang mga employer ay isasalang muna sa anim na buwan na intensive Japanese language training ang mga Pinoy workers.
Maliban sa tatanggaping allowance, binanggit ng embahada na libre rin ang nasabing pagsasanay.