Dapat magsagawa ang mga paaralan ng COVID-19 Bakunation weeks para sa mga mag-aaral dalawang linggo bago ang pasukan bilang paghahanda sa pagbabalik sa in-person classes.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Philippine College of Physician former president Dr. Maricar Limpin na dapat mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga batang hindi pa nababakunahan para magkaroon ng proteksyon laban sa sakit.
Bukod dito, dapat din aniyang patuloy na magsuot ng face mask ang mga bata o mag-aaral at mahigpit na pagsunod sa social distancing.
Kailangan din dapat ayon kay Dr. Limpin na may proper ventilation ang mga paaralan.
Nilinaw naman ni Limpin na maaari pa ring mabakunahan laban sa dengue ang mga bata kahit na ito ay nabigyan na ng COVID-19 vaccine.