Hinimok ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang mga Pilipino na magpabakuna na at tumanggap ng booster shots upang matiyak ang mataas na proteksyon kontra COVID-19.
Ginawa ni pang. Marcos ang apela sa kanyang social media post, isang araw matapos ang kanyang 7-days quarantine period makaraang mahawan sa ikalawang pagkakataon ng virus.
Sa vlog ng Pangulo, sinabi nito na wala na syang nararamdaman na anumang sintomas ng COVID19.
Sinabi pa ni Pang. Marcos, na buti na lamang at nakatanggap na sya ng bakuna at nabigyan narin ng booster shot, dahil kung hindi, maaring lumala ng tuluyan ang kanyang sakit.
Samantala, inihayag pa ng Presidente na kanyang ilulunsad ang massive campaign para sa pagpapabooster shot at pagpapapabakuna katuwang Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Education (DepEd).
Dagdag pa ng Chief Executive na preparasyon na rin ito sa pagbabalik ng face-to-face classes at pagluwag ng iba pang mga safety protocols.
Inihayag pa ni Pang. Marcos na kung magiging matagumpay ang kampanyang ito, posibleng magtuloy tuloy na ang pagpapatupad nito.