Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapos na ang dalawang proyekto nito para mapigilan ang mga pagbaha na nagkakahalaga ng P66-M sa La Union.
Itinayo sa gilid ng ilog ng Amburayan sa Sudipen Barangay Porporiket ang naturang proyekto na may walong metrong taas at 260 metrong haba.
Habang nasa P27.99 milyon ang inilaan para sa naturang proyekto na mula sa 2022 General Appropriations Act (GAA).
Samantala, natapos naman ng La Union Second District Engineering office ang 14 na flood control structures project nito sa agoo para sa mga residente ng barangay ng San Julian Norte at San Julian West.