Matumal pa rin ang bentahan ng school supplies at uniporme sa Tutuban Center sa Maynila halos isang buwan bago ang pagbubukas ng klase.
Ayon kay Adelaida Chan, may-ari ng isang school uniform shop, tumumal ngayong taon ang bentahan ng mga gamit sa pasukan kumpara noon na bultuhan ang binilibili ng kanilang mga customer.
Halos kalahati rin ng pre-pandemic sales ang nawala kay Joseph Lim, may-ari ng isang school supplies shop.
Sa ngayon, hindi naman tumaas ang presyo ng uniporme sa Tutuban tulad ng mga sumusunod:
• POLO AT BLOUSE NA NASA 155 PESOS HANGGANG 250 PESOS DEPENDE SA SUKAT
• BLACK PANTS – 155 PESOS HANGGANG 260 PESOS
• PALDA- 145 PESOS HANGGANG 220 PESOS
• SHORTS – 110 PESOS HANGGANG 150 PESOS
• BLACK SHOES – 400 PESOS HANGGANG 450 PESOS, AT
• TATLONG PARES NG PUTING MEDYAS – 50 PESOS
Una nang sinabi ni Department of Trade Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo na wala pang inilalabas na suggested retail price ang kagawaran para sa school supplies.