Sang-ayon ang Department of Agriculture (DA) sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na muling patatagin o ayusin ang tourism infrastructure upang muling mapalago ang industriya ng bansa.
Sa naging pahayag ni Tourism secretary Christina Frasco, tiyak na malaki ang maitutulong ng naturang polisiya para muling maibangon ang ekonomiya ng Pilipinas matapos padapain ng pandemiya dulot ng COVID-19.
Umaasa si Frasco na maipaprayoridad ng administrasyong Marcos ang estado ng turismo upang makasabay na ang Pilipinas sa lumalagong ekonomiya ng ibang mga bansa gaya ng Singapore.
Matatandaang sa naganap na Cabinet meeting, sinabi ni Marcos na kanilang tinututukan ang connectivity, convenience, at equality para na rin sa kapakanan ng mga turista o mga bumibiyahe papasok at palabas ng bansa.