Pumalo na sa 1, 307, 593 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na gaganapin sa darating na Disyembre.
Ayon kay Commission on Elections o Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudianco, 863, 078 sa mga ito ay pawang mga nasa edad 15 hanggang 17; 435,266 naman ang mga nasa edad 18 hanggang 30; habang 72, 249 naman ang mga nasa edad 31 pataas.
Bukod pa diyan, nasa 229, 858 naman ang mga nagnanais magpalipat ng bayan o lungsod; 61, 751 ang mga nagnanais na ma-reactivate ang kanilang rehistro, habang nasa 40, 450 naman ang nag-apply para sa change of name at correction.
Ayon sa Comelec, mayroon nang 1, 805, 272 ang kabuuang aplikasyon na naiproseso na bago sumapit ang itinakdang deadline sa Hulyo a-23.
Sa ngayon, patuloy na hinihikayat ng Comelec ang publiko na samantalahin na ang registration period para sa Barangay at SK elections.