Ipagpapatuloy ng Administrasyong Marcos ang localized peacetalks sa pagitan ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) at National Democratic Front (NDF).
Ayon kay Presidential Peace Adviser secretary Carlito Galvez Jr., sa loob ng 50 taon na pakikipag negosasyon ng pamahalaan sa nasabing mga grupo, mas naging epektibo ang nagpapatuloy na peace talks dahil nakakatulong ito sa pagbaba at pagsuko ng mga front commander maging ang mga tauhan nito.
Sinabi ni Galvez na mas pinalalakas nito ang puwersa ng pamahalaan at pag-atake sa mga tauhan ng estado.
Samantala, sa naging pahayag ni National Security Adviser secretary Clarita Carlos, gumagana na ang mga binuong Peace Council ng pamahalaan pero nasa kamay na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung muli niyang bubuhayin ang nasabing usapin.