Paulit-ulit na humihingi ng paumanhin at pang-unawa ang Malakanyang sa publiko dahil sa kalbaryong hatid ng APEC Summit.
Binigyang-diin ni Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma na ginagawa lamang ng gobyerno ang pangseguridad na aksyon upang ligtas ang mga lider ng bansa, delegado ng APEC kasama na ang international media na dumadalo sa APEC Summit.
Naiintindihan ng Palasyo ang sakripisyo ng mamamayan na apektado ng APEC na naging dahilan na maglakad ang karamihan patungko sa kanilang desitinasyon malapit sa APEC venues.
Sinabi ni Coloma na sana ay maintindihan ng publiko ang kahalagahan ng pagpupulong ng mga lider ng bansa dahil maghahatid naman aniya ito ng benepisyo para sa lahat.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)