Ikakasa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang “no flying zone” o “no drone zone” para matiyak ang kaligtasan sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Batasang Pambansa sa Hulyo a-25.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, tanging ang mga authorize person ang exempted mula sa ban.
Aniya, katulad ito noong mga nakaraang taon na isinagawa rin ang “no drone zone” maliban sa mga lugar na awtorisado.
Pag-uusapan naman aniya sa nakatakdang miting ng security forces ang coverage nito.
Samantala, kabuuang 21,853 security personnel ang ide-deploy sa rehiyon at sa 34 control border points para sa naturang SONA ng pangulo.