Inihayag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na naghain siya ng panukalang batas para buhayin ang death penalty at mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Aniya, ang death penalty ay para lamang sa high-level o big-time drug traffickers na mahuhulihan ng isang kilo ng ilegal na droga.
Nabatid na ang parusang kamatayan ay inalis sa bansa noong 2006 sa ilalim ng pamumuno ng dating pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo.
Samantala, sinabi naman ni Dela Rosa na ang panukalang batas na inihain niya ukol sa muling pagtatatag ng mandatory ROTC para sa grade 11 hanggang 12 ay upang mapaunlad pa ang pagiging disiplinado, makabayan at pamumuno sa mga kabataan.