Nagbukas ng Jobfair ang Manila City LGUs upang matugunan ang lumalalang unemployment rate sa lungsod.
Ayon sa Pamahalaang Lokal ng Maynila, layunin ng programa na makalikha ng trabaho at pagkakakitaan para sa mga residente, partikular na ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.
Pinangunahan ni Manila City Mayor Honey Lacuna at Public Employment Service Office head Fernan Bermejo ang naturang programa na ikinasa sa Park ‘n Ride area sa Lawton, malapit sa Arroceros Park.
Umabot sa 2,479 unemployed individuals ang nabigyan ng trabaho sa pamamagitan ng inisyatiba ng PESO at sa tulong narin ng mga pribadong sektor.