All-set na ang buong Kamara sa kauna-unahang State of the Nations Address ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa July 25.
Ayon kay house secretary general Dong Mendoza, tanging minors revisions na lamang ang kinakailangan nilang tapusin sa paghahanda.
Nagpapatuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng Kamara sa mga ahensiya ng gobyerno at sa Malakanyang habang inumpisahan na rin ang pamamahagi ng imbitasyon.
Sa ngayon, nagkaroon na ng adjustment sa capacity ng Batasang Pambansa mula sa 1,200 individuals na kayang ma-accomodate ng gusali.