Interesado ang South Korea, Australia, Indonesia at Japan na palitan ang China bilang host ng susunod na Asian Cup sa 2023.
Ayon sa Asian Football Confederation, mayroong hanggang August 31 ang mga bansa para magpasa ng kanilang aplikasyon at dokumento.
Sa October 17 malalaman kung sino ang magiging host ng kompetisyon kung saan 24 na koponan ang maglalaban-laban.
Ang China ang dapat mag-anunsiyo ng kaganapan sa palaro na naganap mula June 16 hanggang July 17, 2023, pero naunsyami dahil sa COVID-19 crisis.