Nagkasa ng programa ang OWWA para sa mga anak ng mga OFW.
Ang binuong OCC (Ofw’s Children’s Circle) ay kasunod na rin ito ng resolusyong nilagdaan nina labor Secretary Bienvenido Laguesma at Department of Migrant Workers Secretary Susan Toots Ople.
Ayon sa OWWA, tutulungan ng OCC ang mga anak ng mga ofw na mailabas ang kanilang creative skills at talents, paunlarin ang social skills, palakasin ang coping mechanisms at imulat sa mga usapin ng climate change, values reorientation, digital literacy at drugs.
Sinabi ng OWWA na makakatulong din ang programa para maisulong ang pagkakaibigan, pag develop ng potential leaders at mahimok na makiisa ang mga anak ng mga OFW sa programa at polisiya ng gobyerno.