Pinangasiwaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang panunumpa bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Toni Yulo-Loyzaga.
Mababatid na kabilang sa mga naging trabaho ng kalihim ang pagiging Chairperson Ng International Advisory Board of the Manila Observatory at Technical Adviser ng Philippine Disaster Resilience Foundation.
Samantala, matatandaan na Hulyo 12 nang i-anunsyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang nominasyon ni Yulo-Loyzaga bilang Environment Secretary.