Binasag ng Pinay weightlifter na si Angeline Colonia ang World at Asian records matapos masungkit ang dalawang gintong medalya sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.
Nagawang mabuhat ni Colonia ang 62 kilograms sa snatch round sa Women’s 40 kilograms category kung saan, kaniyang nahigitan ang naitalang 61 kilograms ng kompetisyon.
Naiuwi din ng 15-anyos na atleta ang gintong medalya matapos umangat sa 134 kilograms ang kaniyang total lift mark laban sa 129 kilograms ng Vietnam at 125 kilograms ng India.
Si Colonia ay kabilang sa mga batang Pinay weightlifting champions kasama sina Asian Champion Vanessa Sarno at magkapatid na Rosegie at Rose Jean Ramos.