Tinanggal na sa listahan ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang 1.3 milyong benepisyaryo.
Ito ang ipinaabot ni DSWD secretary Erwin Tulfo kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa ginanap na ikatlong cabinet meeting sa Malakañang kahapon.
Ayon kay Press secretary Trixie Cruz-Angeles, hindi na maituturing na mahirap ang 1.3 milyong benepisyaryo na dating kasama sa 4.4 milyong orihinal na bilang.
Dahil dito, ibibigay na sa mga bagong benepisyaryo ang P15 million na ayuda para sana sa 1.3 milyon.
Una nang sinabi ni Tulfo na pangunahing utos sa kanya ni PBBM na linisin ang listahan ng mga tumatanggap ng ayuda sa gobyerno at isama ang mga tunay na mahihirap.