Pinagtibay pa ng Pilipinas at China ang friendly relations nito.
Ito ay matapos makipagpulong ang bagong talagang si Foreign Affairs secretary Enrique Manalo sa foreign counterpart nito na si Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi noong July 6, 2022.
Ayon sa DFA, pangunahing layon ng pagpupulong na palakasin ang Manila-Beijing ties batay na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,
Habang layon din ng meeting na pag-usapan ang mga plano kabilang ang pagpapalakas ng economic ties, pagsasaayos ng trading system, pagsusulong ng people-to-people exchanges, pagpapanumbalik ng mga biyahe at palitan ng mga manggagawa.